"Very good! Very quiet.”

Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang kaniyang naging pagdiriwang ng Semana Santa ngayong taon.

Ayon sa pangulo nitong Lunes, Abril 10, ginawa niya ang dati niyang kinagawian noong mga nagdaang taon kung saan nagpapahinga siya tuwing Holy Week.

BASAHIN: PBBM, magpapahinga sa darating sa Holy Week: ‘I’ll spend Easter with my family’

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"I did, as I said, I did my usual routine where I went into retreat," ani Marcos sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Bataan.

"For the weekend, starting on Friday, I fasted.”

Saad pa ni Marcos, naging oportunidad para sa kaniya ang Semana Santa upang isipin kung ano talaga ang mga importanteng bagay.

"It was a good time to take a breath, take a step back, take long walks, and think very hard about what it is that we have to do," aniya.

Matatandaang noong Linggo ng Palaspas, Abril 2, hinikayat ni Marcos ang bawat isa na higit na kilalanin si HesuKristo upang mas maging mabuting ehemplo ang bawat isa ng pagbabago at tagapaghatid ng katotohanan.

BASAHIN: PBBM sa Semana Santa: ‘Let it stir in each of us the desire to know Jesus Christ more’

Ibinahagi rin ng pangulo na ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang oportunidad para huminto at magpasalamat para sa “renewal at recovery” tungo sa tunay na pagkakaisa at pag-unlad para sa lahat.

BASAHIN: PBBM sa Easter Sunday: ‘Opportunity for renewal, recovery’