Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggunita sa ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan nitong Abril 10 ng umaga.

Layunin ng okasyong may temang "Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino," na ipaalala ang naging sakripisyo ng mga Pilipino, beteranong sundalo o sibilyan, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bukod dito, ipinaalala rin nito sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagiging makabayan at ng pagkakaisa sa buong bansa.

Nauna nang inihayag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang komemorasyon ng Araw ng Kagitingan ay idinaraos tuwing Abril 9 bawat taon bilang tanda ng pagkatalo ng mga kawal ng Pilipinas at Amerika laban sa mga Hapon sa nasabing araw noong taong 1942.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa naturang petsa, nagsimula ang sapilitang pagmartsa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinagurian sa kasaysayan bilang 'Bataan Death March.'

Matatandaang inilabas ni Marcos ang Proklamasyon Blg. 90 na naglilipat ng komemorasyon ng Araw ng Kagitingan ngayong Abril 10 upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) na natapat nitong Abril 9.