Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 na turista at isang bangkero matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Romblon kamakailan.

Sa Facebook post ng PCG, hinampas ng malalaking alon ang bangkang sinasakyan ng mga ito habang nag-i-island hopping sa bisinidad ng Bonbon beach nitong Abril 8.

Dahil dito, pinasok ng tubig ang bangka hanggang sa tuluyang tumaob.

Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard at iba pang rescue team kaya nailigtas ang12 na turista at bangkero ng mga ito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng 13 na nailigtas sa insidente.

Ayon pa sa PCG, ang pinangyarihan ng insidente ay tinatayang nasa 100 metro na lamang ang layo mula sa dalampasigan.