Nasamsam ng pulisya ang tinatayang aabot sa₱5 milyong halaga ng expired na produktong pagkain sa ikinasang pagsalakay sa Sta. Maria, Bulacan kamakailan.

Sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3), nagsanib-puwersa ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria Municipal Police Station at nilusob ang imbakan ng nasabing produkto sa Barangay Parada, Sta. Maria, Bulacan nitong Abril 4.

Sa pahayag ng pulisya, dala-dala nila ang search warrant na inilabas ni Pasig City Regional Trial Court Branch 159 Judge Elma Rafallo-Lingan nang isagawa ang operasyon.

Naaresto sa operasyon sina Gloria Cacanindin, Rachel Constantino, at Rica Rodriguez.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakatakas naman ang isa pang kasamahan ng mga ito na si Noel Cacanindin.

Kabilang sa nasamsam ang kahun-kahong 3-in-1 na kape at mga expired na de-latang pagkain na aabot sa ₱5milyon,pedal sealing machine, assorted labelling paraphernalias, at dalawang truck.