Kasabay ng mga kontrobersiyang nakapalibot ngayon sa aktor na si John Estrada at misis na si Priscilla Meirelles ay isang makahulugang mensahe ang mababasa sa isang social media post ng aktor nitong Linggo, Abril 9.

Para ngayong Pasko ng Pagkabuhay, isang selfie ng aktor ang makikita sa kaniyang Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by John Estrada (@johnestrada__)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“There are some people who could hear you speak a thousand words and still not understand you. And there are others who will understand without you even speaking a word,” aniya sa kaniyang caption.

Hindi man malinaw ang pinatutungkulan ng aktor sa naturang post ay matatandaan naman ang pinagdaraanan nitong kontrobersiya matapos ang kamakailang mga pasabog ng misis sangkot ang ilan pang partido.

Basahin:‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin:Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan din ay isang sweet na sweet na larawan ni John kasama si Priscilla ang naintriga rin matapos anang netizens ay pilit na pagbawi ng aktor sa misis.

Isang babae rin kamakailan din ang nakaladkad at lumitaw online nang direkta nitong komprontahin ni Priscilla ang naging kaugnayan sa mister.

Basahin: Basahin:Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid