Peke ang kumakalat sa social media kaugnay sa sinasabing naganap na ilang insidente ng panghoholdap sa Quezon City kamakailan.

"Please be informed that the National Capital Region Police Office (NCRPO) takes all reports seriously and after monitoring the said message circulating on several communication platforms, we immediately investigated and validated the said information. As a result of our investigation, we categorically state that these alleged incidents are false and or misleading," ito ang paglilinaw ni NCRPO chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo nitong Linggo.

Tinukoy ni Okubo ang umano'y robbery incidents sa isang Japanese restaurant, coffee shop at sa isang Chinese eatery.

Apat na taon na aniya ang nakararaan nang maiulat ang insidente ng panghoholdap sa isang Japanese restaurant. 

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Pinaigting na aniya aniya ang seguridad sa nasabing establisimyento at mula noon ay wala nang naiulat na kahalintulad na insidente.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa publiko na maging sa pagpapakalat ng impormasyong hindi totoo.

"We understand the potential damage and alarm that can be caused by false news and misinformation, particularly when shared widely on social media platforms. We urge all members of the public to verify the information they receive before sharing it with others. We also request that individuals refrain from spreading any false rumors or unverified information that could cause harm or panic to the people in our community," sabi pa ng opisyal.

PhilippineNews Agency.