Nakarating na sa kaalaman ni Kapuso actress Kris Bernal ang screenshot kung saan makikita ang "human error" sa caption ng isang kilalang online entertainment portal kung saan nakalagay na 18 months na siyang buntis.

Ibinahagi naman ito sa Twitter ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda at tinawanan.

Vice Ganda natawa sa maling caption tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal

Naitama naman kaagad ang caption at ginawang "18 weeks" pero huli na ang lahat dahil napulutan na nga ito sa socmed.

Ayon sa Instagram post ni Kris, nagpadala ng apology ang naturang entertainment portal para sa honest mistake at wala naman itong kaso sa aktres. Nagawa pa nga niyang makisakay sa biro. Naappreciate din niya ang feature nila sa kaniya.

"8 MONTHS and counting… Dinosaur or elephant?"

"Received an apology. Typos happen to everyone. No harm done. No worries. I still appreciated the feature," ani Kris sa kaniyang IG caption kalakip ang kaniyang mga litrato kung saan makikita ang kaniyang baby bump kahit na nakasuot siya ng pink outfit.