Nakapagtala na naman ng anim na pagyanig ang Kanlaon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, ang sunud-sunod na pagyanig ay naramdaman sa nakaraang 24 oras.

Nitong Abril 6, nasa 91 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Naitala rin ang mahinang pagsingaw ng bulkan na umabot sa 200 metrong taas bago naipadpad sa timog kanluran.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakitaan pa rin ito ng ground deformation o pamamaga ng bulkan.

Ipinagbabawal pa ring pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa posibleng maranasang phreatic explosions ng bulkan.