Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang isang pamilya na binubuo ng anim na miyembro matapos masiraan at muntik lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan ng Palawan nitong Linggo, Abril 9.

Sa pahayag ng PN, kaagad na sumaklolo ang kanilang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) sa isang pamilyang sakay ng isang motorized banca na halos palubog na nang masiraan at hampasin ng malalaking alon sa karagatang bahagi ng Ulugan.

Kaagad na sinagip ng mga tauhan RHIB ang nasabing pamilya, kabilang ang isang senior citizen at isang bata.

Hinila rin ng RHIB ang nasabing bangka patungo sa dalampasigan ng Macarascas, Palawan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon pa sa PN, nagsasagawa sila ng sunud-sunod na ship-to-shore logistic runs sa lugar bilang paghahanda sa pagpapadala muli ng barko nito sa West Philippine Sea nang mamataan nila ang nasiraang bangka.