Isa pang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 ang natagpuang patay sa karagatang sakop ng Basilan nitong Linggo ng umaga.

Sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Alses Hassan sa karagatan ng Langgas Island, Maluso.

Sinabi ng Coast Guard, isa si Hassan sa dalawang nawawalang pasahero ng naturang barkong nasunog sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad nitong Marso 29.

Ayon sa PCG, tuloy pa rin ang paghahanap nila sa isa pang nawawalang pasahero.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dahil dito, umabot na sa 32 ang naitalang nasawi sa insidente. Sa nasabing bilang, 15 ang narekober sa dagat habang ang 17 ay natagpuan sa loob ng nasunog na barko.

Matatandaang patungo sana sa Jolo, Sulu ang barkong dala ang 205 na pasahero mula sa Zamboanga City nang sumiklab.