Parehong producer ng naunang nakanselang show nina Pokwang at K-Brosas sa Las Vegas, Nevada ang humawak sa dapat sana’y concert tour din ni Viva artist at Pinay diva na si Katrina Velarde sa Amerika.

Ito ang anunsyo na nilabas ng Viva Artists Agency (VAA) nitong Huwebes, Abril 6.

“With deep regrets, VAA hereby informs the public that Katrina Velarde’s US Tour, scheduled to happen from April 21 to May 14, 2023, is canceled,” mababasa sa kanilang pahayag.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman nagkiyemeng inihayag nito ang dahilan ng kanselasyon kaugnay nga ng mga kinahaharap na kontrobersiya ng producer ng show na si Vynz Music LLC.

Ang naturang prodcer ang nasa likod ng naunang nakanselang show nina Pokwang at K-Brosas kamakailan.

Basahin: ‘Tinakbuhan ng producer?’ BFF concert nina Pokwang, K Brosas sa US, kanselado – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Chika ng talent manager na si ">Ogie Diaz kamakailan, bigo umanong makapagbayad nang buo ang producer sa dalawang talent dahilan para mapurnada na ang show.

Sa huli, nagpaabot naman ng paumanhin ang management ni Katrina sa mga naabala ng kanselasyon.

“Katrina Velarde remains fully committed to delivering excellence in her performances and shows. We truly appreciate your understanding and unwavering support for Katrina,” pagtatapos ng VAA.

Para naman sa refund ng mga tiket, pinayuhan ng pamunuan ang fans ng singer na antabayan ang anunsyo ng producer kaugnay dito.