Nagbigay ng latest update si Fearless Diva Jona kaugnay ng kalagayan ng kaniyang boses matapos maimpeksyon noong Marso.

Matatandaan ang viral version ng Kapamilya singer sa classic ni Whitney Houston na “One Moment In Time” sa ASAP Natin ‘To noong Linggo.

Basahin: Bumirit kahit maga ang lalamunan! Jona, viral sa kaniyang kabogerang ‘One Moment in Time’ version – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dito unang ibinahagi ng singer ang detalyadong naranasang impeksyon sa kaniyang boses dala ng laryngitis, dahilan din ng halos niyang pag-atras noon sa naturang segment ng Sunday musical variety show.

Nagtungo na sa kaniyang doktor ang singer para hingin ang professional opinion sa kanyang kalagayan.

“Yesterday I visited my long-time ENT Doctor Doc Enrico Donato (who's a very kind doctor, chill, astig and of course good looking!!😊) to check my vocal cords as I'm still hoarse since March 19,” kuwento ni Jona nitong Huwebes, Abril 6.

“He prescribed meds for these 3 major culprits - swollen cords, acid reflux, and unwanted thick mucus and he advised me to have a vocal rest for a week, and to get rid of food and drinks that trigger acid reflux, including my kryptonites - chocolatesss and coffee, 😆” dagdag na update ng singer sa fans.

Tila swak naman ang naging Holy Week para kay Jona dahil sa maliban sa kaniyang pagninilay ay maisasabay din ng singer na maipahinga ang kaniyang boses at lalamunan para sa mga darating na singing engagements.

Bumuhos din ang pagdarasal at suporta ng fans para sa agaran at full recovery ng Kapamilya star.

Get well soon, Jona!