Binalikan at binarda ng netizens ang mga larawang kumakalat sa social media, matapos makitang nakangiting sinagot ng aktor na si John Estrada ang tanong ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa natutunan sa ex-wife niyang si Janice de Belen.

"Lesson in love that you learned from Janice de Belen?," tanong ni Tito Boy sa interbyu niya kay John sa talk show nitong Tonight with Boy Abunda noong 2016.

"Uhm, Be honest!," nakangiting sagot naman ng aktor.

Ikinagalit at "dinog-show" naman ng netizens ang sagot ng aktor, matapos isinapubliko ng kaniyang asawang si Priscilla Meirelles na nahuli niyang may ibang kinakausap ang aktor.

Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

Komento ng netizens sa sagot ng aktor na "Be honest!":

"Wow ha! Natutunan daw na be hoest pero 'di kayang i-apply sa sarili."

"Honest pero nakatawa!"

"Huli pero 'di kulong."

"Joke time. Ano 'yan prank?"

"The design is very sinungaling."

Bumawi naman agad ang aktor sa kaniyang misis sa pamamagitan ng pag-flex ng mga sweet na larawan nilang dalawa sa Instagram nito kalakip ang mga hashtag na #happytogether at #happywifehappylife.

Hirit naman ng netizen: "Saka lang bumabawi kasi nahuli na."

Kamakailan naman, inintriga ng mga netizen ang Instagram post ni Janice tungkol sa "free taste."