Kalakip ang mga hashtag na #happytogether at #happywifehappylife, iflinex ni John Estrada sa isang Instagram post nitong Biyernes, ang misis at former beauty queen na si Priscilla Meirelles na kamakailan ay inaming “napuno” na raw sa kasalukuyang relasyon?

Matatandaang ang cryptic post ng misis noong Marso na inulan ng kontrobersiya at agad na ipinagpalagay ng marami ay kaugnay raw sa relasyon niya sa aktor.

Basahin: ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!” sey noon ni Priscilla at nasegundahan pa.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change.”

Kalaunan ay inamin na nga ng misis sa isang panayam ang pinagdadaanan nito sa asawa kung saan “napuno” na raw siya, bagaman walang detalyadong naibulgar pa ang misis.

Isang babae rin kamakailan din ang nakaladkad at lumitaw online nang direkta nitong komprontahin ni Priscilla ang naging kaugnayan sa mister.

Basahin: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, Abril 7, isang flex naman online ang makikita sa Instagram post ni John kasunod ng kontrobersiya.

Sa larawan ay makikitang sweet na sweet pa ang dalawa.

“The love of my life, my wife, my one and only Queen,” sey ni John sa asawa.

Hindi naman nakaligtas sa maraming netizens ang hirit na ito ng aktor sa asawa matapos tila mailabas na ang tunay na estado ng kanilang relasyon kamakailan.

“The design is very bumabawi!” hirit ng isang netizen sa move ng aktor, mababasa sa isang news outlet.

Dagdag at rambol na sentimiyento nila, hindi na dapat pang magloko pa ang aktor, habang ilan ang humirit sa misis na hiwalayan na ito ngayon pa lang. Naku, tendensiya ng mga Marites talaga!

Samantala, tila aabangan naman ngayon kung ano ang magiging sunod na kabanata para sa celebrity couple.

Ano ang sey niyo?