Umabot sa full capacity ang ilang dagat sa Pangasinan ngayong Biyernes Santo, Abril 7, ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sa ulat ng PDRRMO, naabot ng Tondol White Sand Beach sa Anda ang maximum capacity dakong 7:00 pa lamang ng umaga.

Sinabi ng Anda Tourism Office na puno rin ang mga cottage at bamboo shed, at fully booked na ang mga tondol accommodation hanggang sa Lunes, Abril 10, kung kailan idineklara ring holiday dahil sa paglipat ng Araw ng Kagitingan dito.

Inanunsyo naman ng Bolinao Tourism Office na naabot na rin ng Bolinao Falls ang maximum capacity nito dakong 11:40 ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Arriving Tourists/guests are advised to divert to other tourist attractions such as caves and rock formations,” saad nito.

Ayon sa PDRRMO, umabot din sa maximum capacity ngayong Biyernes Santo ang beach sa Agno.

Sa tala rin ng PDRRMO, 90% full capacity ang mga beach sa Binmaley at Lingayen; 70% sa Dagupan City; 60% sa Sual; 50% sa San Fabian at Bani; 10% sa Infanta, Pangasinan.