Niyanig ng 4.1-magnitude na lindol ang bahagi ng Zamboanga del Sur nitong Huwebes Santo ng hapon.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 12:04 ng hapon nang maganap ang pagyanig walong kilometro timog ng Dumingag, Zamboanga del Sur.

Anim na kilometro ang nilikhang lalim ng pagyanig na tectonic ang origin.

Naiulat na tumama naman ang Intensity III sa Dumingag, Intensity II sa Molave, Mahayag, Sominot at Midsalip, Zamboanga del Sur, at Intensity 1 naman sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng Phivolcs, walang inaasahang aftershocks at pinsala ng nasabing lindol.