Mahigit na sa 80,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa bansa upang umuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Huwebes Santo, ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG).

Umabot naman sa 74,000 outbound passengers o galing sa mga probinsya ang naitala ng Coast Guard mula Abril 6 ng umaga hanggang tanghali.

Dahil dito, sinabi ng PCG na lalo pa nilang hinigpitan ang pagbabantay upang walang makalulusot na masasamang-loob.

Kamakailan, sinabi ng PCG na isinailalim na nila sa heightened alert ang mga istasyon nila mula Abril 2 hanggang Abril 10 o sa panahon ng Semana Santa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol