Nanawagan ng tulong sa madlang pipol at madlang netizens ang pamilya ni Ervin Plaza alyas "Dumbo," ang audience coordinator at production staff sa noontime show na "It's Showtime," matapos itong maospital dulot ng aksidente habang nakasakay sa motorsiklo.

“Hi badly need help right now. Prayers and financial help po. Need po para sa operation niya na maotor accident po siya last night. Any amount will do po. Thank you so much,” mababasa sa text caption ng Instagram story sa kaniyang IG account kung saan makikita ang kaniyang litrato habang nakahiga sa isang hospital bed.

Screengrab mula sa IG ni Dumbo/Ervin Plaza

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates tungkol sa kalagayan ni Dumbo.