Binisita ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Artemio Abu, ang Verde Island sa Batangas nitong Huwebes Santo, Abril 6.

Nagtungo si Abu sa Barangay San Agapito at Brgy. San Antonio upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan nito na nakapuwesto sa lugar.

Inaasahang dadagsain ng mga banyaga at lokal na turista ang island ngayong Mahal na Araw.

Aniya, nakalatag na rin ang mga oil spill boom sa baybayin ng mga naturang barangay upang masiguro na hindi maaapektuhan ng oil spill na resulta ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol