Mahigpit na pagbabantay ang ipinatutupad ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa beach ng Baler, Aurora dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa.

Sa pahayag ng PCG, mahigit na sa 400 turista ang dumayo sa dalampasigan ng Sitio Diguisit, Barangay Zabali, Baler, Aurora nitong Huwebes Santo ng umaga.

Ayon sa PCG, nakahanda ang kanilang grupo na sumaklolo sa sakaling magkaroon ng insidente sa naturang beach.

Kaugnay nito, nanawagan din ang PCG sa mga magulang na bantayan nang husto ang kanilang anak upang maging ligtas ang paggunita ng Mahal na Araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa rekord ng Aurora Tourism Office, tinatayang aabot sa 650,000 turista ang dumayosa Aurora mula Enero hanggang Hunyo noong 2022.