Ibinahagi ng aktres, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang kaniyang mga realisasyon matapos siyang kuyugin at durugin ng sandamakmak na kritisismo, mapa-celebrity man o netizens, sa isyu ng ginawa niyang pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter, noong nagdiwang siya ng kaarawan.

Nausisa si Alex ng press kamakailan kung trulalu bang na-trauma na siyang makakita ng cake matapos kuyugin ng madlang netizens nang pahiran niya ng icing sa mukha ang isang waiter noong birthday niya.

Nakorner ng media peepz si Alex sa idinaos na parade of stars na kalahok sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 kung saan magkakasama sila sa pelikulang "Single Bells" nina Aljur Abrenica at Angeline Quinto.

Totoo raw na na-trauma na siya sa cake, kaya nga request niya kay Angeline na iniimbitahan siya sa birthday ng baby boy nito, baka puwedeng bilo-bilo o gelatin na lang ang ihanda para makapunta siya, kaloka!

'Bilo-bilo na lang!' Alex imbitado sa bday ng junakis ni Angeline pero may request

Saka may "life lesson" daw siyang nakuha rito. Ito ay ang huwag nang magpakalasing.

“Huwag na tayong uminom! First birthday party ko na sabi ko iinom ako."

"Pero we have to really…’yong mga times na sobrang saya mo, we should be really careful pa rin, kahit na it’s your safe place, puwede pa rin na meron kang ma-hurt at may magawa na hindi naman talaga ginustong gawin at di mo intention na gawin,” aniya pa.