Tawang-tawa umano ang press sa tsika ni TV host-actress-vlogger Alex Gonzaga nang mauntag kung trulalu bang na-trauma na siyang makakita ng cake matapos kuyugin ng madlang netizens nang pahiran niya ng icing sa mukha ang isang waiter noong birthday niya.

Nakorner ng media peepz si Alex sa idinaos na parade of stars na kalahok sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 kung saan magkakasama sila sa pelikulang "Single Bells" nina Aljur Abrenica at Angeline Quinto.

Totoo raw na na-trauma na siya sa cake, kaya nga request niya kay Angeline na iniimbitahan siya sa birthday ng baby boy nito, baka puwedeng bilo-bilo o gelatin na lang ang ihanda para makapunta siya, kaloka!

Saka may "life lesson" daw siyang nakuha rito. Ito ay ang huwag nang magpakalasing.

“Huwag na tayong uminom! First birthday party ko na sabi ko iinom ako."

Pagso-sorry ni Alex Gonzaga, umani ng iba't ibang komento mula sa netizens

"Pero we have to really…’yong mga times na sobrang saya mo, we should be really careful pa rin, kahit na it’s your safe place, puwede pa rin na meron kang ma-hurt at may magawa na hindi naman talaga ginustong gawin at di mo intention na gawin,” sey pa niya, ayon sa ulat.