Sa kasagsagan ng isyu ng "marital problem" tungkol sa kaniyang dating asawang si John Estrada at misis nito ngayon na si Brazilian beauty queen-model Priscilla Meirelles, naintriga ang mga netizen sa Instagram post ni Janice De Belen tungkol sa "free taste."

Makikita kasi sa kaniyang Instagram post noong Marso 31 ang litrato ng apat na basyo ng plastic cups na pinaglagyan ng "free taste" ng produkto habang siya ay nasa grocery. Hindi naman ito bago sa isang supermarket o grocery store.

Caption ni Janice, "LAHAT NG FREE TASTE SA GROCERY DI KO PINAPALAMPAS! PAKINABANGAN PA KAYA AKO LATER????"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Marami sa mga netizen ang nagkomento at naka-relate sa kaniya.

"Why not? After all it's free!"

"Di ka nag-iisa @super_janice, ginagawa ko rin 'yan sa Costco."

"It's not free tasting, it's already paid through store membership fee."

Pero marami sa mga netizen ang tila nahihiwagahan sa kaniyang post, at tila hindi kumbinsidong literal ang ibig niyang ipahiwatig dito.

"Related issue ata ma'am…"

"Cryptic post din po ba ito?"

"Uy totoo hugot ba 'yan?"

"Ay oo nga may HUGOT"

"Ms Janice nakakarma na si ex mo @johnestrada__ babaero talaga!"

Screengrab mula sa IG ni Janice De Belen

Screengrab mula sa IG ni Janice De Belen

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang kusang-loob na pagbabahagi ng isang Cebuana influencer kung paano siya kinompronta ni Priscilla tungkol sa kanila ni John.

Samantala, nananatiling tahimik sina Janice at maging si John tungkol sa isyu.