Sinuspindi muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng financial assistance dahil ginugunita ang Mahal na Araw.

Sinabi ng DSWD Central Office, pansamantala nilang itinigil ang proseso ng aplikasyon ng mga nagnanais na kumuha ng ayudang nakapaloob sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga sumusunod na petsa: * Abril 6, 2023 (Huwebes Santo)* Abril 7, 2023 (Biyernes Santo)* Abril 10, 2023 (Araw ng Kagitingan).

Gayunman, tiniyak ng DSWD na babalik ang operasyon ng kanilang tanggapan sa Martes, Abril 11, 2023.

Itinakda rin sa 5:00 ng madaling araw hanggang 3:00 ng hapon (scheduling) ang operasyon ng QCX.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang assessment at releasing of assistance ay itinakda sa Central Office, dakong 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Idinagdag pa ng ahensya na alinsunod ito sa Proklamasyon No. 90, Proklamasyon No. 42, s. 2022, at Memorandum Circular No. 16, s. 2023.