Matatandaang nagbigay ng kaniyang saloobin at payo ang talent manager na si Ogie Diaz sa mga binitawang tila pagkukumpara ng ina ng dating si Charice Pempengco na ngayo’y si Jake Zyrus kay Morissette Amon.

Basahin: Morissette, wala raw binatbat sa ‘legendary’ anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sey noon ni Ogie sa kaniyang Showbiz Update sa YouTube, “Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na.”

“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,” pagpapatuloy ng talent scout.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Dagdag niya, dahil umano rito ay kinuyog tuloy siya ng netizens. Ani pa ni Ogie, dapat na umanong tanggapin ng ina na nagbabago ang mga tao at kabilang na rito ang anak na si Jake, at ang boses nito.

“Maging phase ng ibang tao, sa boses ng anak mo nagbabago. Maaaring kaya pa rin ibirit ni Jake Zyrus ang kanta ng dating Charice Pempengco. Nakakaloka ito, paano kapag si Charice na ang pakantahin ni David, wala ka nang masasabi ganun? Dahil iba pinakanta, may nasasabi ka na. Hindi maganda ang pag-uugali na ganun, Mommy Raquel,” talak ni Ogie.

“‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong –i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo,” pagpapatuloy ng talent manager.

Basahin: Ogie Diaz, sinupalpal ang ‘pag-uugali’ ng ina ni Jake Zyrus: ‘Ang problema, may sinasagasaan kang tao’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paglilinaw naman niya, “walang problema” kung nais lang na depensahan ng ina ang anak gayunpaman ay dapat wala umanong nadadawit sa isyu.

“Walang problema kung ipagtatanggol moa ng anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao,” sey ni Ogie.

“Yun ang hindi maganda. Kaya sana baguhin mo ang ganyang pag-uugali ha, Mommy Raquel. Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang gawin ‘yan.”

Basahin: Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos tila makahanap naman ng kakampi sa showbiz insider din na si Cristy Fermin ang ina kamakailan, binuweltahan na nito ang mga naging payo at saloobin ni Ogie.

“You got my point Ms. Cristy Fermin. Gusto ko sana ikaw mag Interview sa akin para naman matauhan si Ogie Diaz, basta na lang sasakay sa komento ng mga basher,” sey ni Raquel Pempengco sa kaniyang Facebook post kalakip ang video ng pagsang-ayon ni Cristy sa kaniyang pahayag noong Marso 31.

Hinamon na rin ng ina ang talent manager na maglalabas siya ng resibo aniya sa mga tagumpay ng ngayo’y si Jake.

“Wait ka lang at bibigyan kita ng mga achievements ni Jake na hindi mo nalalaman. Baka mawindang ka at maniwala na talagang LEGENDARY AND NOBODY CAN DEFEAT CHARICE OR JAKE,” talak ni Raquel.

Gayunpaman, kung bibisitahin ang Facebook account ng ina nitong Miyerkules, walang mababasa o makikitang mga resibo dito taliwas sa kaniyang mapanghamong saad.

Samantala, matapos ang ilang araw, tila nakarating naman kalaunan kay Ogie ang mga hanash muli ng inang Pempengco laban sa kaniya.

Tila jiritz kasi itong nagpasaring na sa isang “ina ng singer” sa kaniyang Instagram story nitong Martes, Abril 5.

Ogie Diaz/Instagram Story

“Tanga rin pala itong nanay ng isang singer, eh. Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy! Panoorin mo kasi yung buong eoisode na yon ng Showbiz Update. Tagalog naman yon, ‘di mo maintihan?” sey ng talent manager bagaman walang binanggit na pangalan.

Noong Marso 29 nang i-upload ni Ogie ang kaniyang payo sa ina ni Charice sa YouTube.

&t=1462s