Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isang sundalo at dalawa pang pasahero na kabilang sa naunang naiulat na nawawala matapos masunog ang MV Lady Mary Joy 3 sa Baluk-Baluk Island sa Basilan nitong Marso 29.

Sa pahayag PCG, nauna nang natagpuan ng mga tauhan ng Coast Guard Station (Isabela, Basilan) ang bangkay nina Staff Sergeant Andres Cerbatos at Jack Bungso, taga-Maimbung, Sulu,sa boundary ng karagatang bahagi ng Lampinigan Island at Baluk-Baluk Island, nitong Marso 5.

Nitong Martes, Abril 4, natagpuan din ang bangkay ni Anacleto Ponollero, Jr., taga-Sta. Catalina, Zamboanga City sa karagatang bahaging Sicagot Island sa nasabi ring lalawigan.

Ang bangkay ng tatlo ay dinala na sa Isabela City, Basilan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang patungo na sana sa Jolo-Sulu ang nasabing barko mula sa Zamboanga City nang bigla itong sumiklab nitong gabi ng Marso 29.