Sumabay na rin sa online gimik ang social media personality na si Antonette Gail kung saan sariling fiancé na si Whamos Cruz ang napagkadiskitahan.

Patok ngayon online ang black and white edit ng kasama sa isang larawan sabay hirit ng kuwelang mga caption.

Basahin: ‘Buhay pa ‘yan, patay na patay lang sa akin!’ Profile pic ng netizen, kinakiligan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi syempre nagpahuli sa trend ang social media couple na sina Antonette at Whamos na laugh trip ang hatid ngayon sa Facebook.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Selfie ng dalawa ang napiling ng online mom bilang entry, sabay pagkulay ng itim at puti sa kaniyang fiancé dito.

Hirit ni Antonette: “Hindi pa yan patay, baka ako yung mamatay sa BAHO dahil hindi yan NALILIGO! 😂

Good vibes at aliw lang ang pawang naging resulta naman ng post na ikinatawa ng libu-libong followers.

Basahin: Mambabastos kay Baby Meteor, ipapahimas-rehas ni Antonette Gail – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Isa pang netizen ang binalikan naman ang pagmamakaawa pa noon ni Antonette na maligo si Whamos noong ipinagbubuntis pa lang ang una nilan supling na si Baby Meteor.

“Iniiyakan mo nga yan nung buntis kpa kc ayaw maligo ni Whamos, 🤣🤣🤣” sey ng netizen.

Umabot na sa mahigit 126,000 reactions ang viral entry na ito ng social media couple.