Muling namiss at hinanap ng netizens ang tinaguriang "real-life Darna" na si Angel Locsin matapos gunitain sa opisyal na Facebook page nito ang 18th anniversary ng paglipad nito sa ere bilang Darna noong nasa GMA Network pa ito.

"Taas kamay Batang 2000s 🙋🏼‍♀️," saad sa caption.

"18 years ago, the record-breaking and phenomenal TV adaptation of Mars Ravelo’s Darna starring the Philippines Action-Drama Queen, Angel Locsin aired on GMA-7."

"During its entire run, the show garnered an all time high rating of 54.3% according to AGB Nielsen," saad pa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Marami naman sa mga netizen ang naniniwalang ang version nga ni Angel ng Darna ang the best.

"Your Darna icon is one of my favorites, for you not just play the role of Darna but you become the Real Life Darna of the Filipino people. Ms Angel Locsin you inspire me, to be a Darna in my simple ways, hindi man ako Maya man but to be helpful.

Continue to inspire us, stay safe and happy. Miss you so much po."

"Absolutely the best Darna ever! Not only for the role but also in real life."

"For me lang.. Walang magaglit. Best Darna ever."

"Darna inside and out!"

Matapos umalis at "iwanan" ang trono sa GMA Network at lumipat ng ABS-CBN, napunta ang puwesto ng pagiging Darna at titulong Kapuso Primetime Queen kay Marian Rivera, matapos maging matagumpay naman ang Philippine adaptation nito ng "Marimar."

Noong 2022 hanggang 2023, naipasa ang mahiwagang bato ng Marte at muling ginawa ang Darna sa katauhan naman ni Jane De Leon, this time, sa ABS-CBN.

Marami na ang nakaka-miss kay Angel lalo't matagal na siyang walang update sa kaniyang personal social media accounts at hindi rin nakikita sa telebisyon o pelikula. Oo't may mga uploads naman sa kaniyang Facebook page pero karamihan dito ay throwback photos so abangers ang fans niya kung kailan ba siya muling magiging aktibo ulit.