Kinaaliwan ng mga netizen ang throwback photo ni Jolina "Jolens" Magdangal kung saan makikitang bagets pa siya at kasama niya sa litrato sina King and Queen of Talk Boy Abunda at Kris Aquino.

Ani Jolens, hindi na niya matukoy kung anong era ito, pero isa lang ang sigurado siya: panahon itong uso pa ang "one line kilay." Kilay is life lalo na sa mga babae!

"Hi Tito Boy!😊 Hi Ate Kris!😊 Isa sa nakita kong picture sa sandamakmak na pictures na naitago namin mula noon (thank you so much sa aking Daddy Jun na hindi nagsawa sa pag picture sakin)," aniya.

"Anong taon kaya ito? 90s? Early 2000? Basta nung uso ang one line na kilay.😊."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman sa mga netizen ang namangha sa mga hitsura nila noon.

"May buhok pa rito si Tito Boy hahaha."

"Wow uso rin ang bangs!"

"Ang chubs pa rito ni Ms. Kris, kakamiss!"

"Yung mga panahong mga notebooks n'yo lang po yung naka-spring ang aming binibili @mariajolina_ig batang 90's here."

"Best era!!!"