Nagdadalamhati ngayon si Kapamilya young star Kyle Echarri kasunod ng pagpanaw ng kaniyang baby sister matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa brain tumor.

Kalakip ang ilang serye ng mga larawan sa Instagram nitong Miyerkules, Abril 5, mababasa ang makabagbag-damdaming bukas na liham ng young actor para kay Bella.

View this post on Instagram

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I love you more than you will ever know ta. You are the most amazing sister anyone could ever ask for. I already miss your hugs/kisses for Manong whenever he was sad and your cheers for whenever I was on stage,” ani Kyle.

“Now more than anything I’m happy to know that you’re done with the year of fighting something you never deserved… you can finally smile,sing,dance,swim, and EAT again. And don’t worry I know I didn’t lose my sister… I just got a new angel. I love you ta, Forever,” pagtatapos niya.

Agad na bumuhos ang pakikiramay at emosyonal na suporta ng ilang kapwa celebrities para kay Kyle.

“Love you brother,” komento ni Donny Pangilinan.

“Mahigpit na yakap sayo Kyle,” saad ni Maymay Entrata.

“I’m so so sorry for your loss Kyle, 😞” pakikiramay din ni Anne Curtis.

“I’m so sorry for you loss Kyle 😔 love you always bella🤍,” mababasang komento ni Andrea Brillantes.

Nagpaabot din ng pakikiramay sina Jake Ejercito, Darren Espanto, Sue Ramirez, Jayda Avanzado, Yeng Constantino, Kyline Alcantara, Yeng Constantino, Inigo Pascual, KZ Tandingan, Jason Dy, at Herlene Budol.

Noong Hunyo nakaraang taon unang ibinahagi ni Kyle ang masakit na balita ukol sa kaniyang kapatid. Naging masakit ito lalo sa Kapamilya young star nang unang ilihim muna ng kaniyang kapatid ang medikal na kalagayan.

Basahin: Baby sister ni Kyle Echarri, inilihim ang sakit na brain tumor sa kapatid; actor-singer, nadurog sa bad news – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mula noon, naging suportado na ang young actor para sa matinding gamutan ni Bella.

Basahin: Hugis-pusong tattoo ni Kyle Echarri sa pulso, ginuhit ng kapatid na lumalaban sa brain tumor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Enero nang magdiwang ng ika-12 kaarawan si Bella.