May sweet message si Selena Gomez sa kaniyang “bestie” na si Taylor Swift sa Instagram matapos siyang umattend sa ‘The Eras Tour’ nito sa Texas.

Bilang supportive friend, nagsuot si Selena sa concert ng oversize white cardigan at white dress na siyang nagre-represent sa "Folklore" era ni Taylor.

“Thank you bestie for having me and my sissy transport into your mystical, euphoric and special world,” ani Selena.

“Proud to know you! love you forever and always,” sweet na pahayag pa nito sa kaniyang bestie.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagsimula ang ‘The Eras Tour’ ni Taylor noong Marso 17 at nakatakda umanong matapos sa darating na Agosto 9 ngayong taon.

Ito muli ang unang tour ni Taylor makalipas ang limang taon matapos ang kaniyang ‘Reputation Stadium Tour’ noong 2018.

BASAHIN: Taylor Swift, magrerelease ng mga awitin bilang selebrasyon ng kaniyang ‘The Eras Tour’