Pinuri ni Senador Ramon ‘’Bong’’ Revilla Jr. nitong Lunes, Abril 3, ang pagkakaaresto sa suspek sa pagpaslang sa isang estudyante sa dormitoryo nito sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa pahayag ni Revilla, isang katutubong Caviteño, pinasalamatan niya ang mga hindi raw tumigil para mahuli ang suspek na kinilala kalaunan bilang si Angelito Erlano.

"Kinikilala natin si Provincial Director Col. Christopher Olazo at si Mayor Jenny Barzaga na hindi nagpahinga hanggang mahuli itong si Erlano,” ani Revilla.

Upang mabilis na matimbog ang suspek sa pagpaslang kay Daguinsin, nag-alok ng pabuya ang mga awtoridad ng umabot sa ₱1.1 milyon, kung saan ₱300,000 umano rito ay galing mismo kay Revilla.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

BASAHIN: Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Naaresto naman ng mga awtoridad noong Sabado si Erlano sa umano’y pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, 24, isang graduating student sa De La Salle University (DLSU)-Dasmariñas.

BASAHIN: Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, timbog

Natagpuang patay si Daguinsin noong Marso 28 sa dormitoryo nito matapos umanong magtamo ng 14 na saksak.

BASAHIN: Graduating student sa Cavite, pinagsasaksak sa kaniyang dormitoryo, patay!