Isiniwalat ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Lunes, Abril 3, na namataan sa baybaying malapit sa isla ng Coron, Palawan, ang posibleng bakas ng oil spill na nagmula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sa pahayag ng PhilSA, ibinahagi nitong nakuha ang nasabing datos nitong Linggo, Abril 2, gamit ang Copernicus EU Sentinel-2A satellite.

May be an image of map, sky and text that says 'MARINE POLLUTION SURVEILLANCE REPORT and Satellite Atmospheric Service 120°40'E UNCONFIRMED areathat satellite believes might contain unconfirme 121°20'E REPORT DATE/TIME: 4/2/2023 615 (UTC) IMAGE 4/2/2023 0215 (UTC) 122°0'E Multispectral RESOLUTION meter Possible Thicker Oil Thicker Source: [13°19'06
Photo courtesy: Philippine Space Agency/FB

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang nasabing slicks na matatagpuan sa timog at timog-kanluran ng tanker ay may haba umanong humigit-kumulang 10.5 nautical miles at 1.8 may lapad ng nautical miles.

“The slicks located approximately 6.5 nautical miles east off of Coron measures approximately 33 nautical miles in length and 2.5 nautical miles in width. The oil slick covers a total of approximately 61.27 square kilometers,” anang PhilSA.

“This map is still subject to field validation,” dagdag nito.

Ang nasabing lumubog na MT Princess Empress na may kargang 800,000 industrial fuel oil ay nakarating na sa ilang baybay-dagat ng Oriental Mindoro, Antique, Palawan, at Batangas.

Ibinahagi kamakailan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sinimulan na ng mga awtoridad nitong Linggo, Abril 2, ang pagsasara sa mga tumatagas na bahagi ng nasabing MT Princess Empress sa pamamagitan ng “bagging operation”.

BASAHIN: Bagging operation sa MT Princess Empress, sinimulan na!