Para kay Pokwang, dala ng kaniyang pagiging bitter sa estranged husband na si Lee O’Brian ang katotohanan aniyang walang ina ang hangad na "magkawatak-watak" ang sariling pamilya.

Diretsang pag-amin ni Mamang Pockie, marami pang bitterness ang bitbit niya ngayon laban sa dating mister.

“Wala kasing nanay na gustong masira ang pamilya. Walang nanay na gustong magkawatak-watak kayo. Siguro ‘yung nangyari sa amin, ‘yung bugso ng galit ko…” naputol na saad ng komedyana at sunod na sinisi ang aniya’y naging “cultural difference” sa pagitan nila ni O’Brian.

“Kasi, tayong mga Pilipino, hihimasin pa baka pwede pa maayos ‘di ba. Sa kanila pala, hindi pala hindi ganon,” sey ni Mamang Pockie.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Hindi rin nagkiyemeng umamin muli ang Kapuso host na patuloy pa rin ang kaniyang pagmo-move-on sa estranged mister.

“Ang daling sabihin na ang bitter mo, mag-move on ka na. Ang daling sabihin ‘yun kasi hindi kayo ang nakakaranas. Ang bawat sugat, lalo na kung malalim, [kapag] tinakpan mo lang ng band aid, gagaling na. It will heal slowly.

“Kaya ako sumisigaw ngayon kasi mahapdi. ‘Pag hindi na ako sumigaw, wala na ‘yun. Pa-heal na ‘yun so hayaan niyo lang,” pagpapatuloy ni Pockie.

Kebs naman ang komedyana sa mga bashers na minsan ay nasasagot niya sa sariling social media account.

“Sinimulan niyo kami, nagpunta kayo sa timeline namin, nag-comment kayo nang di maganda, sumagot ako tapos pa-victim kayo,” anang host sa kanila.

Hindi rin pinagsisihan ni Pockie ang mga nasupalpal niya online.

“Ba’t ako magsisisi? Nagsisi ba sila na nag-comment sila sa akin? ‘Di ba hindi rin?”

Sa huli, muli ring nagpakatotoo ang ina na sumubro siyang “himasin” ang relasyon nila ng dating asawa “to the point na naging tanga” na aniya siya.

Basahin: Nakakalokang kuwento ni Pockie: ‘Nanay ko dati batuhin lang ng tatay ko ng brief, buntis na’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid