Sa kamakailangang pagsalang ni Pokwang sa legit lie detector test sa YouTube channel ni Bea Alonzo, binalikan ng Kapuso comedian ang dating buhay kasama ang labing-isa pang kapatid.

Ani Mamang Pockie, bagaman nagiging emosyonal ay comedy na lang daw para sa kanilang pamilya ngayon ang dinanas na hirap nila noon.

Isa nang matagumpay na TV personality si Pokwang ngayon na nakapagpundar na rin ng kaliwa’t kanang investment kabilang na ang mga lupa at bahay.

Pagbabahahi ng komedyana, sa isang 20 square meter lang na bahay noon nagkakasya ang kanilang malaking pamilya, sabay hirit na noo’y nagpatayo sila ng isang Christmas tree ay kinailangan nang tumayo ng kanilang ina.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isa namang payo ang patuloy na sinusunod ni Pokwang hanggang ngayon na naipamana sa kaniya ng kaniyang ina.

“Magtrabaho kayo nang magtrabaho, hangga’t kaya ng katawan niyo. Huwag kayo magnanakaw,” anang komedyante.

“Dahil nga kasi nga naman, kahit dose kami, never silang nakaisip na [mula sa masama ang] ipakain sa amin. ‘Yung nanay ko, saan ka nakakita, eight months pregnant [nagtatrabaho pa],” pagpapatuloy na saad ng Kapuso host.

Napahalakhak naman si Bea at ilang production staff sa sunod na banat ni Pockie: “Kasi nanay ko dati batuhin lang ng tatay ko ng brief, buntis na.”

Dagdag nya, “Oo ganon ‘yun. Ganun siya ka-fertile. Minsan eight months na ‘yung tiyan niya, naglalako ng gulay, nangunguha ng kuhol sa mga bukid-bukid ta’s ilalako.”

Sa huli, kumpiyansa naman si Pockie na naging mabuting anak siya sa kaniyang ina.