Muli na namang nagpakawala ng patutsada ang Kapuso comedy star na si Pokwang, na bagama't walang pinangalanan, nagkakaisa ang madlang netizen na ang tinutukoy niya ay ang ex-partner na si American actor Lee O'Brian.

Ayon sa kaniyang pinakawalang tweet nitong madaling-araw ng Linggo, Abril 2, may nakakita raw sa ex-partner na kinandungan ito ng isang waitress ng isang Mexican bar sa BGC, Taguig.

Giit ni Pokie, hindi siya bitter at masaya siya para sa ama ng anak na si Malia kung masaya ito sa mga pinaggagagawa niya ngayon.

"susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? hayaan nyo sya masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap nyang babae at deserve nya yan yeheeeyy congratulations po 👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼 ang saya saya….🤣🙏🏼 #diakobitterha #happy4U," tweet ni Pokwang.

Pokwang, nagsalita na hinggil sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian: 'Pakiramdam ko, di niya ako minahal!'

https://twitter.com/pokwang27/status/1642224027438837762

Dagdag pa niya, "I'm thankful everyday po kasama na ang pagkakaalis ni God sa buhay ko ang lalaking walang kwenta."

https://twitter.com/pokwang27/status/1642252906824093696

Matatandaang inamin ni Pokwang na hiwalay na sila ni O'Brian subalit hanggang ngayon, hindi pa rin naririnig ang panig ng ex-partner.