Litanya kasi ng isang netizen, ang role na ZsaZsa Zaturnnah na ginagampanan ngayon ni Kim Molina sa isang musical ay dapat umanong maganda, at dyosa -- mga katangiang hindi raw taglay ng aktres. Hindi nagkiyemeng, ipagtanggol na ni Jerald Napoles ang girlfriend.

Pagresbak at pagsupalpal na ng kapwa aktor, ang kaniyang girlfriend, taliwas sa hinula ng netizen, sa katunayan, ay pinagkakaguluhan aniya sa kaniyang ganda at nakamamanghang talent.

Naikumpara kasi ang aktres sa mga batikang aktres na sina Zsazsa Padilla at Eula Valdez na una nang ginampanan ang nasabing karakter.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Kim is one of the most beautiful and empowered artists that fits the role as it should be. I wish you have seen how she did it and how she looked before putting your self-entitled comment here,” panimulang tugon ni Jerald sa netizen/

Dagdag niya, “People are giving her compliment from the vice president of Ateneo de Manila to celebrities up to first-time musical viewers RAVING HER BEAUTY AND AMAZING TALENT.”

Pagdidiinan ng boyfriend, bias umano ang pambabatikos nang hindi pa napapanuod ang show.

“Initiating superficial judgment giving bias to your LIMITED STANDARD OF BEAUTY, you are a perfect sample of a person who gets the joy from insinuating negative ideas of beauty.

“I hope kids won’t get these traits from the likes of you. And I hope a person will still see the beauty in him/her even if he/she encounters someone like you,” pagtatapos ni Jerald.

Pinusuan ng maraming netizens at inulan ng positibong komento ang post ng nobyo.

Tanging pagmamahal lang naman ang ipinaabot ni Kim sa kay Jerald sa pagbabahagi rin ng viral nang post.

🥹😎💖 Love you, Jerald Napoles,” saad ni Kim.

Sa huli, nagpasalamat din ang aktor sa mga nagparamdan din ng pagmamahal sa kaniyang nobya.

“Salamat po sa inyong suporta at mga nagmamahal sa kung anong biyaya ng Diyos na meron kame sa peperform ni Kim Molina. tandaan ANG GANDA AY HINDI SINUSUKAT LALO NANG HINDI MASUSUKAT NG IBANG TAO BUKOD SAYO !! At higit sa lahat PAG INGGIT, PIKIT ! 💪🏽💯🫶🏽” anang aktor.