Pinasalamatan ni Cavite 4th district Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang lokal na kapulisan sa mabilis umano nilang pag-aresto sa suspek sa pagpaslang sa isang estudyante sa dormitoryo nito sa Dasmariñas City, Cavite.

Natimbog na ng pulisya noong Sabado ang suspek na kinilalang si Angelito Erlano sa pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, 24, isang graduating student sa De La Salle University (DLSU) -Dasmariñas.

BASAHIN: Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, timbog

Sa Facebook post ni Barzaga nitong Linggo, Abril 3, ibinahagi ni Barzaga na nadakip na nga ng Dasmariñas City Police force at Cavite Provincial Intelligence Unit ang suspek sa pagpatay kay Daguinsin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Nagbibigay-pugay ang pamahalaang lungsod ng Dasmariñas sa mabilis na pagkilos ng kapulisan sa pangunguna nina provincial director PCol Christopher Olazo at Dasmariñas Police Chief PLTCol Juan Oruga, Jr. para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Queen Leanne Daguinsin," ani Barzaga.

Matatandaang isiniwalat din ni Barzaga na itinaas sa ₱1.1 milyon ang iniaalok na pabuya ng gobyerno laban sa suspek.

BASAHIN: Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M

Natagpuang patay si Daguinsin noong Marso 28 sa dormitoryo nito matapos umanong magtamo ng 14 na saksak.

BASAHIN: Graduating student sa Cavite, pinagsasaksak sa kaniyang dormitoryo, patay!