Isang babaeng backup singer umano ng Filipino rock band ang nanawagan na sana ay mabigyan siya ng tulong dahil sa hirap ng buhay.

Sa isang sa video na ibinahagi ng isang content creator na si Boy Sardinas TV, mapapanood ang nakakaantig na kuwento tungkol sa isang babaeng nagngangalang Maricel.

Kuwento niya na bata pa lamang siya nang maranasan niya maging isang backup singer ng sikat na bandang Aegis noon, ipinakita pa ni Maricel ang kaniyang talento sa pagkanta upang patunayan ang kaniyang talento sa vlogger.

Naantig ang vlogger nang maalaman na si Maricel pala ay nabubuhay sa isang pinagtagping-tagping mga kahoy at tarpaulin kasama ang asawang nagko-construction.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento pa nito na hindi niya kapiling ang mga anak na ang ila’y hindi pa niya ulit nakikita at ang iba naman ay nananatili sa kanilang mga lolo't lola dahil hindi niya kayang buhayin ito.

Sa panibagong vlog na ilabas ni Boy Sardinas TV ay makikitang kasama na ni Mace ang kaniyang anak na matagal na niyang hindi nakikita. Ibinahagi ng vlogger na ang nalikom niyang mga tulong ay ang naging daan sa muling pagkikita ng mag-ina.

Naiyak din ang mga nakasaksi sa pangyayari dahil makikita ang pagkanais ni Maricel na makasama muli ang anak.

Matapos nito ay lubos na nagpasalamat ang vlogger sa mga nanood at sumabaybay sa kuwento ni Maricel, aniya na sana ay mas dumami pa ang tulong sa pamilya ni Maricel.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang bandang Aegis tungkol dito.

https://youtu.be/H_TZNxqvTUY