LUCENA CITY, Quezon -- Patay sa saksak ang isang 60-anyos na ginang nang saksakin umano ng kaniyang mister matapos ang mainitang pagtatalo dahil umano sa bisyo at problemang pinansyal noong Linggo ng gabi, Abril 2, sa Purok Sampaguita 1 Bel-Air, Barangay 10 sa lungsod na ito.

Inaresto ng barangay tanong ang suspek na kinilalang si Nestor Paraiso, 61, at itinurn-over sa Lucena City Police.

Kinilala naman ang biktima na si Irenia.

Sa imbestigasyon ng pulisya na alas-8:20 ng gabi, nagkaroon ng komprontasyon ang biktima at suspek hinggil sa mga bisyo ng suspek at usaping pinansyal.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Sa pagtatalo, sinaktan umano ng suspek ang biktima dahilan upang lumabas ng bahay ang huli at humingi ng tulong sa barangay tanod.

Habang pabalik na ang biktima kasama ang barangay tanod sa kanilang bahay, biglang sumulpot ang suspek saka hinawakan ang biktima, at pinagsasaksak umano ito ng kutsilyo sa leeg.

Dead on the spot ang biktima at nagtangka namang tumakas ang suspek ngunit naaresto naman ito ng barangay tanod at narekober ang patalim na ginamit.

Ang reklamong kriminal para sa parricide ay inihahanda ng Lucena City police para sa referral sa Office of the City Prosecutor.