Tila may pinatututsadahan ang TV host-comedian na si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa naging episode ng noontime show nilang "It's Showtime" noong Biyernes, Marso 31.

Ayon kay Vice, isang kakilala niya ang "nakisawsaw" at "nakisakay" sa isyu ng umano'y hindi pantay na trato sa singer at co-host nilang si Karylle.

"Nakakaloka sa ganiyang nakikisakay, biglang magte-text pa ng 'I didn't mean to hurt you'," ani Vice Ganda.

"Sagutin ko nga. 'Hoy wag nga tayo magplastikan. You meant to hurt me, 'di ba? Let's cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Kung mabait, mabait. Pero hindi maganda 'yung bait-baitan. Let's be real!"

‘Huy! ‘Wag nga tayo magplastikan’: Vice Ganda, may pasaring muli vs Kuya Kim?

"If we're not mabait, let's try to be mabait. But let's not be bait-baitan. Ugh. Kadiri. Nandidiri talaga ako sa ganiyan."

Bagama't wala namang binanggit na pangalan, lumutang ang pangalan ni GMA host-trivia master Kuya Kim Atienza matapos ang insidente ng pagkomento nito noon sa kasagsagan ng isyu.

Matatandaang tila may parinig din si Vice sa isang personalidad na nagtagumpay na mapag-usapan matapos daw na "makisakay" sa isyu.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kuya Kim hinggil sa pagkaladkad sa kaniya ng mga netizen. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan naman ang naging sagot niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" na ready na siyang mamatay dahil alam niyang pupunta siya sa langit.