Matapos mabanggit ni Karylle sa kaniyang birthday message kay Vice Ganda kamakailan ang naging “hindi pagkakaintindinhan” nila ng kaibigan at co-host “na lalong pinapagulo ng ibang tao,” nagbitaw naman ng makahulugang pasaring ang komedyante sa aniya’y promotor daw ng gulo ta’s sabay kambyo ng, “I didn’t mean to hurt you.”

Naging emosyonal si Karylle sa kaniyang mensahe sa ika-47 kaarawan ni Vice Ganda noong Biyernes, Marso 31.

Basahin: Karylle, emosyonal na binati ang kaarawan ni Vice: ‘May one minute man na masakit siya’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dito, pinasalamatan ng actress-host ang malaking gampanin aniya ni Vice Ganda sa lipunan lalo na sa komunidad ng LGBTQIA, para mas maging "mas accepting," at "mas loving" pa ang mundo sa kanila.

Angelica Panganiban, sumailalim na sa hip surgery

“Ako happy lang ako to experience mo mga moments na for me napakalaking victories – ‘yung moment ne nag-holding hands kayo ni Ion dito; nagha-hug kayo; nagki-kiss sa TV; na what a time to be alive na naiintindihan na ng bawat tao ang pagmamahalan. And I think, ang laki ng binibigay mo,” sey ni Karylle sa kaibigan na may malaking ambag aniya para sa LGBTQIA community sa bansa.

“‘Yung kahapon nandito ‘yung mga transmodel, alam mo ‘yung parang nagiging iba na ang mundo, nagiging accepting, nagiging mas loving. And I think ‘yung pagmamahal mo at pag-iintindi mo sa bawat tao na nanunuod sa atin, napakalaking regalo ‘yan sa mga taong hindi nila kailangan malagpasan ang malalang bullying o diskriminasyon,” pagpapatuloy ni Karylle.

Sa parehong pagbati ay nabuksan din ni K ang pagkakaroon nila ni Vice ng “direct line” sa isa’t isa sa mga panahon ng hindi nila pagkakatindihan.

Matatandaan ang naging trending na isyu noon ng dalawa noong Pebrero matapos makisali ang netizens.

Basahin:Netizens, tinalakan si Vice Ganda! Sobra na nga ba ang pando-dogshow kay Karylle? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna namang itinanggi ng dalawa na may hidwaan sa kanilang pagitan sa show.

Basahin:Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paggatong na ng komedyante: “Simple lang ‘yun eh. Naniwala akong may problema kami. Ta’s tumakbo ako sa kaniya ta’s nag-aapologize ako, wala pala kaming problema. Ginawan niyo kami ng problema ta’s naniwala tuloy ako. Wala pala kaming problema.”

“Hay ‘tong mga tao – let’s just chill,” dagdag ni Vice.

Sunod namang napasaringan ng komedyante ang mga nakisawsaw pa para aniya palakihin ang naging gulo noon. “May mga gumawa ng gulo tapos may mga sumakay, nagpalaki. May mga ganyan ‘yung mga nakisakay tapos ang nakakaloka, biglang magte-text pa. Tapos magte-text ng, ‘I didn’t mean to hurt you.’”

Hinuha ng netizens sa comment section ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel, rektang patama raw ito ni Vice sa dating katrabaho na si Kuya Kim.

Basahin: ‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sagutin ko nga: ‘Huy ‘wag nga tao magplastikan. You meant to hurt me,” sey ni Vice.

“Let’s cut the cycle of plastikan at bait-baitan. Kung mabait, mabait. Pero hindi ‘yung… let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s be real, ‘di ba?

“If we’re not mabait then let’s try to be mabait. But let’s not be bait-baitan. If we are mabait, then continue being mabait. But let’s not bait-baitan, huh, kadiri. Nandidiri talaga sa mga ganyan,” pagtatapos ng komedyante.

Sa ngayon, wala pang reaksyon o tugon si Kuya Kim sa anang netizens ay bagong patama ni Vice laban sa kaniya.