Kinansela ng lokal na pamahalaan ng Carigara, Leyte ang Turogpo Festival na ginaganap tuwing Sabado de Gloria upang itaguyod umano ang kapakanan ng mga hayop.

Ayon kay Mayor Eduardo Ong Jr., bagama’t nais umano nilang ipagpatuloy ang tradisyon na sinimulan noong 1600s, ayaw nilang labagin ang Animal Welfare Act of 1998.

Ang Turogpo ay isang terminong Waray na ang ibig sabihin ay ‘’to meet’’ o matchmaking. Kasama sa mga aktibidad ang laban ng kalabaw (pasungay), labanan ng kabayo (paaway), at labanan ng manok (sabong).

"We're looking out for the well-being of the carabaos and horses. Thus, our municipality will be cecelebrate this year's Turogpo in a simpler way that will be just meaningful," ani Ong.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Kaya naman kapalit ng nasabing festival ay isang simple at makabuluhang pagdiriwang na bubuuin ng isang Misa at maikling programa ang gaganapin umano sa darating na Sabado de Gloria, Abril 8.

Sinabi ni Ong na hangga't gusto nilang ipagpatuloy ang tradisyon, ayaw nilang labagin ang Animal Welfare Act of 1998.

Binanggit ng LGU ang Seksyon 6 na nagsasaad na labag sa batas ang pahirapan o hindi bigyan ng sapat na pangangalaga ang anumang hayop.

"We're looking out for the well-being of the carabaos and horses. Thus, our municipality will be cecelebrate this year's Turogpo in a simpler way that will be just meaningful," ani Ong.

Noong nakaraang taon ay ilang LGU umano ang kinasuhan ng paglabag sa Animal Welfare Act dahil nagsagawa sila ng bullfighting at horse fighting sa Turogpo Festival.

Inihayag din nang taong iyon ng Regulatory Division ng Department of Agriculture-Regional Office 8 ang ilang mga ulat at alalahanin tungkol sa Turogpo Festival na nag-udyok sa kanila na irekomenda ang kanselasyon nito ngayong taon.