Camp Gen. Miguel C. Malvar, Batangas City - Arestado ang isang lalaking senior citizen dahil umano sa pangingikil nito sa mga may-ari ng cottage sa Calatagan, Batangas kamakailan.

Hawak na ng pulisya ang suspek na si Rodrigo Lumayor, 68, at taga-Calatagan, Batangas.

Sa imbestigasyon ng Calatagan Municipal Police, inaresto ang suspek matapos tanggapin ang marked money ₱500 sa cottage owner na si Judilyn Sernat, sa nasabi ring lugar.

Paliwanag ni Batangas Police Provincial Office chief, Col. Pedro Soliba, hinihingan umano ng suspek ng tig-₱100 ang mga may-ari ng balsa bilang bayad umano sa pagdaong ng mga floating cottage sa tabing-dagat.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbabanta umano ang suspek kapag hindi nakabayad ang mga may-ari ng balsa.

Nahaharap na sa kasong extortion ang suspek.