Nagbitiw na si Rolen Paulino bilang chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos ang mahigit sa isang taon sa puwesto.

Isinapubliko ni Paulino ang kanyang hakbang sa ginanap na flag lowering ceremony sa harap ng tanggapan ng SBMA nitong Biyernes.

Pinasalamatan din ni Paulino ang mga kawani at opisyal ng SBMA na sumuporta sa kanya sa loob ng isang taon.

Ang resignation ni Paulino ay epektibo sa Abril 15.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi na isinapubliko ang rason ng pagbibitiw nito sa puwesto.

Matatandaang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Paulino noong Marso 2022 kapalit ng nagbitiw na si Wilma Eisma.