Matapos ang pag-aming may marital problems sila ng mister na si John Estrada, muling nagbahagi ng cryptic Instagram posts ang dating Brazilian beauty queen-model na si Priscilla Meirelles.

Kapansin-pansin sa latest Instagram post niya na silang dalawa lamang ng anak na babae nila ni John na si "Anechka" sa kaniyang selfie habang nasa loob ng kotse.

“Sometimes you just have to throw on your Crown and remind them who they’re dealing with," aniya sa caption.

Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

Kapansin-pansin namang wala sa litrato si John, o baka siya ang nagmamaneho ng sasakyan?

Sa kaniyang Instagram story naman ay may pa-quote din si Priscilla mula umano kay American teacher, Pema Chödrön.

"Nothing ever goes away until it has taught us what we need to learn."

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni John sa mga isyung ito.