Isang “chill message” ni Karylle para sa kaarawan ng kaibigan at co-host na si Vice Ganda ang nagpaantig sa kapwa hosts at netizens kamakailan.

Isa-isang binati ng “It’s Showtime” family si Meme Vice na nagdiwang ng kaniyang ika-47 kaarawan noong Biyernes, Marso 31.

Kabilang naman sa mga naghandog ng emosyonal na mensahe sa Unkabogable Star si Karylle.

“Ako happy lang ako to experience mo mga moments na for me napakalaking victories – ‘yung moment ne nag-holding hands kayo ni Ion dito; nagha-hug kayo; nagki-kiss sa TV; na what a time to be alive na naiintindihan na ng bawat tao ang pagmamahalan. And I think, ang laki ng binibigay mo,” sey ni Karylle sa kaibigan na may malaking ambag aniya para sa LGBTQIA community.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“‘Yung kahapon nandito ‘yung mga transmodel, alam mo ‘yung parang nagiging iba na ang mundo, nagiging accepting, nagiging mas loving. And I think ‘yung pagmamahal mo at pag-iintindi mo sa bawat tao na nanunuod sa atin, napakalaking regalo ‘yan sa mga taong hindi nila kailangan malagpasan ang malalang bullying o diskriminasyon,” pagpapatuloy ni Karylle.

“Thank you for that and I think that’s one of the things na palagi kong sinasabi, ‘yun ang naging regalo mo sa maraming tao and for us also na maintidihan naming ‘yan sa araw-araw na buhay. Thank you for that.

“Happy ako na na-experience mo ‘yung masayang birthday with your family kasi ‘yung mga small moment like that, for the biggest of stars, that is what I wish for -- that beautiful normal life na talagang deserve ng puso mo.”

Sunod namang nabanggit din ng host ang aniya’y hindi pagkakaintindihan nila ni Vice Ganda “na lalong pinapagulo ng ibang tao.”

“I’m happy na meron akong direct line to your heart,” sey ni Karylle.

Matatandaan ang naging trending na isyu noon ng dalawa noong Pebrero matapos makisali ang netizens.

Basahin: Netizens, tinalakan si Vice Ganda! Sobra na nga ba ang pando-dogshow kay Karylle? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna namang itinanggi ng dalawa na may hidwaan sa kanilang pagitan sa show.

Basahin: Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagpapatuloy ni K, “Kahit anuman ang sabihin nila na magulo, o itamin sa puso natin, may one minute man na masakit siya, naiintindihan nating dalawa.”

“Wait a minute, nagmamahalan kami ba’t niyo kami ginugulo?” dagdag pa ni K na sunod na ipinunto ang malalim na ugnayan nila ni Vice na direkta sa kanila aniyang mga puso.

“Happy birthday. I love you very much,” pagtatapos ni K sa kaniyang mensahe.