Mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng pulisya sa tatlong drug suspect sa isinagawang drug bust operation sa Bulacan nitong Linggo, Abril 2.

Sa mga ulat na isinumite kay Col. Relly B . Arnedo, Bulacan police director, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Pendaton Guilang alyas "Benjie", 50, ng Barangay Tabing Ilog, Marilao, Bulacan; Hanif Marahum, 29; at Fahad Dipatuan, 28, kapwa mula sa Quiapo, Maynila, at naka-tag sa Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Agency Drug Watchlist.

Sinabi ni Arnedo na ang buy-bust operation laban sa mga suspek ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao police sa Barangay Lambakin dakong ala-1:10 ng madaling araw noong Linggo, Abril 2.

Nakuha mula sa kanila ang kabuuang P108,800 halaga ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 16 gramo, at ang buy-bust money.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Magsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Freddie Velez