Kamakailan ay ibinahagi ni Vivamax star AJ Raval ang pagpapatanggal niya ng breast implants na epekto ng kaniyang "impulsive decision" noon.

Tila nakaluwag-luwag na sa dibdib ni AJ ang pagpapatanggal ng kaniyang implants kaya naman todo-awra na siya sa kaniyang TikTok.

'Kambal' ni AJ Raval, pinatanggal

Ipinagwagwagan ni AJ ang kaniyang bagong boobey na nasa aktuwal nitong size.

Sey ng mga netizen, mukhang "nabudol" daw ni AJ ang lahat dahil iba raw ang hitsura nito ngayong medyo natapyasan ang tayog ng boobelya.

May mga nagsabi namang baka raw kaya ipinatanggal ng aktres ang implant ay dahil hindi siya makapagpa-breastfeed.

Matatandaang ilang beses nang naisyung nanganak si AJ sa panganay daw nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica, subalit ilang beses na rin nilang itinanggi ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/07/02/aj-raval-itinanggi-ang-tsismis-na-buntis-siya-ibinalandra-ang-tiyan/">https://balita.net.ph/2022/07/02/aj-raval-itinanggi-ang-tsismis-na-buntis-siya-ibinalandra-ang-tiyan/