Muling nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na ilunsad na ang panukalang Department of Water Resources Management (DWRM) sa gitna ng banta ng El Niño sa bansa.

Isiniwalat kamakailan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring magsimulang maranasan ng bansa ang El Niño sa third quarter ng taon o sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Setyembre.

BASAHIN: El Niño, maaaring magsimula sa third quarter ng taon – PAGASA

Ayon kay Lee, kahit pa walang El Niño ay marami nang mga magsasakang nagdurusa dahil sa kakulangan ng tubig.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"May mga magsasaka po tayo na matagal nang nagtitiis at pinoproblema ang pagkakaroon ng maayos na irigasyon. Ngayong tag-init, marami sa mga sakahan ang natutuyot, na malaking kabawasan sa kanilang produksyon," aniya.

Dahil dito, binigyang-diin ni Lee na kinakailangan nang ipasa ang inihain niyang House Bill No. 2880 na naglalayong bumuo ng departamentong magko-consolidate sa mga ahensyang may kinalaman sa water resources.

Layunin umano ng DWRM na magpatupad ng mga patakaran at resource reforms na may paggalang pa rin sa pamamahala ng water resources kabilang na ang irigasyon, sewage, at sanitation.

Dagdag pa rito, layon din umano ng DWRM na bumuo ng isang national updated road map na tutugon sa tubig, sewage, at sanitation requirements ng Estado; at pagbutihin ang konserbasyon ng tubig.

Sa ilalim ng panukalang batas, maglalaan ng ₱2 bilyon mula sa anumang magagamit na pondo para sa organisasyon ng DWRM at sa mga paunang operasyon nito.